KABANATA LIX Part 1 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA UMALIS AKO sa bahay na iyon na puro sama ng loob. Maaaring masama ako dahil hindi ako tumupad sa aking mga pangako ngunit hindi rin naman masamang unahin ko ang sarili ko sa sitwasyong ako ang nahihirapan. Mahal ko si Ace, mahal na mahal na mahal ko siya. Hindi ko rin naman talaga kayang iwanan siya ngunit ang sakit sakit na. Tiniis ko ang lahat ng trato niya sa akin sa mga nakaraan, pero iyong nangyari kagabi ay hindi ko na talaga kayang palagpasin pa. Natatakot na ako sa kaniya, hindi ko na kayang matulo