KABANATA LVIII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. KATARINA ISANG BUWAN na ang lumipas nang lumabas si Ace sa hospital. Masasabi kong napakahirap ang mag-alaga ng taong walang naaalala na kahit na ano man sa kaniyang nakaraan. Sobra sobrang pagsusungit at pagalit ang inaabot ko sa kaniya sa tuwing naibibigay ko ang mga bagay na dati niyang gusto na ngayon ay hindi na. Mayroong isang araw na hindi siya kumain ng kahit na ano dahil ayaw niya ng niluto kong nilagang karne ng baboy. Nagluto ako ng panibago ngunit hindi na siya lumabas pa ng kwarto. Minsan din ay ipinagtim