Kabanata LVII Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. SAN LORENZO MEDICAL CENTER KATARINA NAGISING AKO na nasisilaw sa liwanag ng bumbilya sa isang kwarto. Binalak kong bumangon agad ngunit nakadama ako ng sakit sa aking ulo at sa aking likuran. Tiningnan ko ang aking sarili at nakasuot ako ng hospital gown at mayroong benda ang isang kamay ko. Mayroon din akong benda sa ulo at hindi ko mawari kung bakit. Pumikit ako sa kadahilanang gusto kong maalala ang lahat ng nangyayari ngayon. Ngunit wala akong maalala. "Doc, gising na po siya Doc!" Tumakbo palabas ang isang baba