KABANATA LVI Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. ONE WEEK LATER KATARINA "BANGON NA, baka tanghalian tayo." Nakahiga pa kaming dalawa sa kama habang nagkukwentuhan. Alas sais pa lang ng umaga at ngayon ay sasamahan ko siya sa San Lorenzo Medical Center para kunin at alamin ang resulta ng kaniyang sperm count tests. Malakas ang kompyansa namin na mataas ang posibilidad na hindi siya baog. Hindi naman siguro talaga at false alarm lang iyong nangyari sa nakaraan. Hindi rin ako naniniwala na hindi na madadaan sa medications kung sakali. Basta't mayroon akong tiwala. Kun