NAPATINGIN si Tiago sa relo na suot niya at mag-alas-siyete na nang gabi. May transaksyon sila ng alas-otso, medyo kinakabahan siya na hindi niya kayang ipaliwanag. “Jake,” sambit niya rito. “Bakit. boss? Lumingon ito sa amo niya. “Sigurado ka ba na safety ang transaksyon natin mamaya?” seryoso niyang tanong. “Oo, boss. May mga tao na rin tayong nakapuwesto doon,” tugon nito. “Good! Hindi pwedeng magkaroon tayo ng problema, sapagkat darating si Black Dragon,” pahayag niya. “Kailan, boss?” Biglang na-excite si Jake. “Hindi sinabi kung kailan,” malungkot niyang tugon. “Bakit hindi ka masaya, boss?” seryoso nitong tanong, sapagkat napansin niya ang ekspresyon ng mukha nito. “Alam mo na ang sagot, Jake,” saad nito. Hindi pa niya ito nakilala sa personal. Minsan lang itong i