PAGKATAPOS ng kasal ni Haruka at Tiago ay pinayagan na siyang makauwi at baon niya ang milyun-milyong halaga. Hindi ito cash kundi isang black atm card na tanging para lang sa mataas na may katungkulan sa organisasyon ng mga yakuza. Ang usapan nila ni Haruka, na siya na ang bagong leader sa branches nila sa Pilipinas. Lahat-lahat itinuro ni Haruka sa kanya, bago ito lumabas ng malaking bahay. Sa simula, halos hindi makapaniwala si Tiago. Para sa kanya ay tila panaginip lang ang lahat. Ngayon ay hindi na niya kailangan pang muling sumakay sa barko sapagkat ‘hundreds of millions’ na ang nasa mga palad niya. “Ninong… ninong!” paulit-ulit na sambit ni Esme sa ninong niya. Ngunit para itong tulog na dilat, sapagkat hindi man lang siya narinig nito. Kinalabit na lamang niya ito upang magising