NALUNGKOT ang magkapatid sa kanilang nalalaman tungkol sa kalagayan ng ama nila. Ayon sa pagsusuri ng doktor ay na-stroke ang kanilang ama, kaya hindi ito makapagsalita. Hindi na rin maigalaw ang mga katawan nito. Napahagulhol na lamang si Esmeralda, at awang-awa sa ama nila. “Paano na tayo, Ate Esme? Paano na ang pag-aaral natin?” malungkot na tanong ng nakababata niyang kapatid. At tulad niya ay umiiyak rin ito. “Huwag kang mag-alala, Edgar. Magsumikap ako para makapagtapos tayong pareho, alang-alang kay, tatay.” Seryoso si Esmeralda, habang titig na titig siya sa ama at mahigpit ang hawak niya sa kamay nito. “Pangako, tay. Magsikap ako, at gagawin ko ang lahat upang mapagamot kita.” Pangako niya sa sarili. DAHIL sa kakulangan ng pera ay nagpasya si Esmeralda na ilabas na lang an