NAYAKAP NIYA ANG BOSS NG TATAY NIYA

1677 Words
NAGPAALAM si Esmeralda sa guro niya, upang puntahan ang ama nila sa hospital. Ang sabi naman ng guro nito. “Walang problema sa akin dahil pumayag ako. Pero kailangan ninyong pumunta sa faculty room, upang pormal na magpaalam sa principal.” Agad sinunod ng magkapatid ang payo ng guro ni Esmeralda. Patakbo silang nagtungo sa faculty room at naabutan nila na hindi busy ang principal, kaya agad niyang sinabi kung ano ang pakay nila. Dahil emergency ang pagpapaalam nila, pumayag agad ang principal. Wala silang inaaksayang oras at patakbo na silang umalis. Halos wala pang kalahating oras ay nasa bungad na sila ng hospital. Hanggang sa makapasok sila sa loob at agad nagtungo sa emergency room. Naabutan nila doon ang ama nila na wala man lang ni-isang nag-aasikaso nito. Halos madurog ang puso ni Esmeralda sa sitwasyon ng ama niya. “Auntie Faith, kumusta si tatay? Bakit walang nag-aasikaso sa kaniya?” malumanay na tanong niya rito. “Kanina inaasikaso naman siya. Pero ang sabi ng nars, kailangan daw ng deposito para i-admit si, Kuya Mando.” malungkot na tugon nito. “Ganoon ba?” maikling saad niya. Sabay lingon sa ama nito na kasalukuyang walang malay. “Tatay… gumising po kayo,” dagdag pa nito. Sabay yakap niya sa walang malay na ama. “Auntie Faith, ano ba ang nangyari kay, tatay?” tanong ni Edgar sa tiyahin. “Ang sabi ni, Uncle Rostom ninyo. Masama raw ang pakiramdam ng tatay ninyo, pero pinilit pa rin ang sarili na magtrabaho. Upang may pera na maipon para sa graduation mo, Esme. Bigla daw natumba ang tatay ninyo at nabagok ang ulo sa bato.” Nang marinig ni Esmeralda ang salaysay ng tiyahin niya ay mas lalong pumatak ang masagana niyang mga luha. Bigla siyang nataranta para sa buhay ng butihin niyang ama. “Nars — Doktor! Nars — Doktor! Ang tatay ko, asikasuhin n'yo naman!” Parang wala sa sarili siyang nagsisigaw. “Ano ba?! Porket wala kaming pera ngayon ay balewalain lang ninyo ang tatay ko?! Pang mayaman lang ba itong hospital ninyo?! Magbabayad naman kami! Kung ayaw ninyong asikasuhin ang tatay ko, mag-report ako sa pulis para isumbong kayo na hinayaan ninyo ang pasyente na mamatay…” dagdag pa niyang pagsigaw. Na animo'y isang desperada para sa buhay ng pinakamamahal niyang tatay. Tila naalarma naman ang ibang doktor at nilapitan sila. “Pasensya na, neng. Medyo na-busy lang sa ibang pasyente,” paliwanag nito. “Ano ba ang nangyari sa pasyente?” dagdag nitong tanong. Agad naman na ikinuwento ng tiyahin nila ang buong nangyari sa kapatid niya. Kumilos ang doktor at sinuri ang pasyente, na wala pa ring malay. Nang matapos suriin ay maraming sinabi ang doktor, tungkol sa gagawin na mga medical test. Hindi lang isa, kundi mahigit limang test raw ang gagawin. Tinanong ni Esmeralda kung magkano ang kailangan nilang pera para sa lahat ng test na gagawin. Sinabi naman agad ng doktor na maghanda sila ng animnapung libo. “Animnapung libo?!” bulong ni Esmeralda, sabay napalunok ito ng laway. “Ate Esme, saan tayo kukuha nang ganyang halaga?” paanas na tanong ng nakakabata niyang kapatid. “Huwag kang mag-alala, Edgar. Gagawa ako ng paraan.” malumanay niyang tugon, sabay hinaplos ang buhok ng kapatid. “Pakiusap, doktor. Gawin n'yo ang lahat para mabuhay ang aming tatay.” Pagmamakaawa ni Esmeralda. Tumanggo naman ang doktor bilang palatandaan sa pagsang-ayon nito. “salamat, doktor.” Nakaluwang ng kaunti ang dibdib nito dahil sa tugon ng doktor. Agad naman nitong hinarap ang kapatid at ang tiyahin niya. “Tiya Faith, Edgar, kayo muna ang bahala dito kay tatay—” “Saan ka pupunta, Ate Esme? Baka hanapin ka ni tatay, kapag nagising na siya.” Hindi pa natapos magsalita ang ate niya ay sinapawan na ito ni Edgar. “Babalik din ako kaagad. Uuwi ako sa bahay, hahanapin ko, kung saan tinago ni tatay ang inipon niyang pera. Pupunta rin ako sa pinagtatrabahuhan niya, para humingi ng kaunting tulong,” tugon niya sa kapatid na nag-alala sa kanya. “Sasamahan na lang kita, ate—” “Huwag na. Dito ka na lang para may makaalalay kay, Tiya Faith,” pigil niya rito. “Sige po. Pero mag-ingat ka.” Bilin niya sa nakakatandang kapatid. “Oo. Salamat.” Tuluyan na siyang lumabas ng hospital. Hapon na nang makarating si Esmeralda sa bahay nila. Hindi na ito kubo, sapagkat napaayos ito ng tatay niya, tatlong tao na ang nakalipas. Kahit papaano ay naitinaguyod naman ni Mando ang kanilang pamumuhay. Napagawaan rin si Edgar ng sarili nitong kwarto. Walang inaaksayang oras ang dalaga, pumasok na ito sa loob ng bahay nila at agad dumeretso sa kuwarto ng tatay niya. “Tay… saan mo kaya nilagay ang pera mo?” tanong niya sa sarili, habang hinahalungkat ang buong gamit. Subalit wala siyang makitang pera sa loob ng aparador. Napaupo siya sa papag at tiningnan ang paligid kung saan na posibleng itago ng tatay niya ang pera. “Alam ko dito mo lang tinago ang pera, dahil wala namang bangko si tatay,” paanas niyang sabi sa kawalan. Nasipat ng mga mata niya ang isang picture frame, na silang tatlo ang magkakasama. Katamtaman lang ang laki nito, pero malakas ang pakiramdam niya na baka doon nilagay ng tatay niya ang pera. Agad siyang tumayo at dali-dali niyang kinuha ang nakasabit na picture frame. Tiningnan niya ang likod nito at bahagyang pinisil, napansin niya na hindi ito pantay at mayroong bahagi na malambot. Binuksan niya agad ito.”Oh!thank you, Papa God!” bulalas niya, sabay yakap sa picture frame. Sapagkat nakita niya ang libo-libong pera. “Tay, pasensya na, pero kailangan ko munang kunin ang pera na iniipon mo para sa akin. Dahil mas mahalaga ang buhay mo kaysa graduation ko,” wika niyang mag-isa. Habang yakap-yakap ang picture frame. Binilang niya ang pera at umabot rin ito ng ‘dalawampu't limang libong piso’. Pagkatapos niya sa kuwarto ng ama, pumasok naman siya sa kuwarto niya. Kinuha nito ang nakatagong lata, na ginawa niyang ipunan ng pera niya. Kahit papaano ay nakaipon rin siya ng ‘limang libo’ mahigit. “Kaunti na lang, sana makahanap pa ako ng pandagdag nito,” aniya sa sarili. Tumayo na siya at kumuha ng ilang gamit para sa kapatid at sa ama niya. Ilang minuto ang nakalipas ay muli na siyang lumabas ng bahay upang magtungo sa pinagtatrabahuhan ng ama niya. Nang makarating siya doon, ang guwardiya ang sumalubong sa kaniya. “May hinahanap ka?” tanong nito sa kanya. “Uhm… anak po ako ni Mando Bartolome. Gusto ko sanang makausap ang boss ninyo. Gusto kong humingi ng tulong para sa tatay ko,” walang paligoy-ligoy na tugon niya. “Ganoon ba? Halika samahan kita sa loob,” Presenta nito sa kanya. “Salamat, manong.” Bahagya siyang nakangiti. “Kumusta na pala ang tatay mo?” pag-aalala nitong tanong. “Hindi maayos ang lagay ni, tatay. Noong umalis ako ay hindi pa siya nagkamalay. Kailangan namin ng ‘animnapung libo’, para sa mga test na gagawin kay tatay. Kaya nandito ako upang humingi ng tulong,” malungkot niyang mahayag. “Kawawa naman pala si Mando. Hayaan mo, hihingi rin ako ng tulong sa mga kasamahan ng tatay mo,” mula sa puso nitong sabi. “Maraming salamat, manong,” nakaramdam siya nang tuwa dahil sa turan ng guwardiya. Hanggang sa nakarating sila sa malaking bahay ng may-ari na pinagtatrabahuhan ng tatay niya. Isa itong Tsino, pero sa pagkakaalam niya ay marunong na itong magsalita ng lengguwaheng Pilipino. Sapagkat ilang dekada na ito sa Pilipinas. “Magandang hapon, sir.” bati agad ni Esmeralda. “Maganda hapon. Ano kailangan mo akin?” tanong nito. “Anak po ako ni Mando—” “Ah… gano'n ba? Upo ka, upo.” Maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya. “Salamat po.” “Bakit ikaw dito? Ano kailangan mo?” diretsahan nitong tanong. “Sir, nandito po ako para humingi ng tulong. Kulang kasi ang pera namin para sa mga test na gagawin,” walang pag-aalinlangan niyang pagtatapat. “Uhm… makano ba kulang pera ninyo?” Biglang sumeryoso ang mukha ng Tsino. “‘Tatlumpung libong piso’, sir.” Sumerypso rin ang mukha ni Esmeralda, at nag-alala siya na baka hindi magbibigay ang amo ng tatay niya. “Mabuti tao Mando, at masipag pa. Kaya ako tulong kanya.” Tumayo ito at nagtungo sa opisina nito. At maya-maya pa'y lumabas na ito na mayroong bitbit na sobre. “Ito, tulong ko iyo tatay. ‘Limampung libong piso’, sana galing siya agad,” madamdamin nitong pahayag. “Naku! Maraming salamat po, sir!” Dahil sa tuwa ay biglang nayakap ni Esmeralda ang Tsino, subalit hindi naman ito binigyan ng masamang kahulugan ng lalaki. Hindi na siya nagtagal at nagpaalam na ito. Nang nasa tapat na siya ng gate, may inabot ang guwardiya sa kanya. “Neng, tanggapin mo itong kaunting halaga na nalikom ko, mula ito sa mga kasamahan ng tatay mo. Sana makatulong ito,” seryosong saad ng guwardiya. Hindi napigilan ni Esmeralda ang nararamdaman niya at pumatak ang mga luha niya. “Maraming salamat sa pagmamalasakit ninyo sa tatay ko, manong,” turan niya rito. “Walang anuman. Isang mabuting kaibigan ang tatay mo,” aniya. Masayang nakabalik si Esmeralda sa hospital, sapagkat sobra ang pera niyang dala. Nakakasigurado siya na mabibili niya ang mga gamot na kailangan ng tatay niya. Ilang araw din ang nagdaan bago nagkamalay si Mando. “Ate Esme, si tatay gising na!” Masayang tinawag ni Edgar ang kapatid niya. Sapagkat abala ito sa kanyang pag-study Agad naman siyang napatakbo sa higaan ng ama niya. “Tatay… gising ka na!” madamdamin niyang bulalas. Ngunit nagtataka sila sapagkat hindi nagsasalita ang tatay nila at nakatitig lang ito sa kanila. “Tay—” sambit ni Edgar. Biglang nawala ang saya sa mukha nito. “Tatay, si Esmeralda po ako, siya naman si Edgar, kilala mo ba kami?” Puno siya sa pag-aalala. Tumango naman ang ama nila subalit nanatiling itong hindi nagsasalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD