DALAGA NA SI ESMERALDA

1224 Words
HUMAGULGOL ng iyak si Nadia, ngunit tila walang pakialam ang asawa niya. Dahil wala pa ring balak na magsalita ito, mas lalong nagalit si Mando sa kanya. Nagmadali itong pumanhik sa loob ng kubo upang ilabas ang mga damit ng asawa niya. “Esme, tulungan mo ako, kausapin mo ang tatay mo.” At hinawakan nito ang kamay ng anak niya. “Ano naman ang sabihin ko kay tatay? Patawarin ka niya?” tanong niya sa ina. Sabay punas sa mga luha nito. “Kahit ano! Basta hindi niya lang ako palayasin.” Bahagya itong kumalma sa pag-iyak. “Bakit hindi ikaw ang kumausap sa kanya, nay? Ikaw naman ang gumawa ng kasalanan kay tatay.” Seryoso niyang payo sa ina. Dumating si Mando na bitbit ang mga damit nito at hinagis niya sa mukha ng asawa niya. “Lumayas ka! Magpakasawa ka doon sa lalaki mo, dahil pinalaya na kita!” diretsahan niyang pahayag sa asawa. “M-Mando… patawari—” “Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin, Nadia! Ginawa ko ang lahat para hindi tayo magutom. Nagsusumikap ako para malagay sa maayos ang pamilya natin! Lahat-lahat ginawa ko para lang maging buting asawa at ama! Pero ano ang isinukli mo! Ano?!” Ibinubuhos niya ang sama ng loob. “Mando, patawarin mo ako.” Muli siyang humagulgol. “Umalis ka na!” “Sige — Aalis ako! Pero isasama ko ang mga anak ko!” buong tapang niyang sabi at tumayo ito “Wala kang isasama kahit isa man lang sa kanila!’ bulyaw niya rito. “Esme — Edgar! Kunin n'yo ang mga damit ninyo dahil isasama ko kayo!” matigas niyang utos sa mga anak. Ngunit parang walang narinig ang panganay niyang anak at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagyakap sa kapatid niya. “Esmeralda — Hindi mo ba ako narinig?! pasinghal niyang tawag rito. “H-hindi… hindi kami sasama sa'yo, nay. Dito lang kami kay tatay, hindi namin siya iiwan,” lumuluha na tugon ng panganay niyang anak. “E-Esme…” tanging nasabi niya. Biglang bumigat ang kalooban nito nang marinig niya mula sa anak. “Esme, dalhin mo na ang iyong kapatid, pumasok na kayo sa loob,” utos ni Mando rito. Hindi siya tumingin sa mga anak dahil mabigat ang dibdib niyang makita na malungkot ang mga ito. Kahit siya man ay hindi handa sa nangyari sa pamilya niya, sapagkat ilang taon rin niya ito iniingatan. Tumalikod naman ang dalagita na hawak ang kamay ng bunsong kapatid niya. “Esmeralda… Edgar…” tawag niya sa mga anak, na ngayon ay nasa loob na ng kubo. “Mando… maawa ka, patawarin mo na ako. Alang-alang sa mga anak natin!” dagdag pa niya. “Huwag mong gamitin ang mga anak natin, Nadia! Sana bago ka nagpakant*t sa iba ay iniisip mo muna ang mga bata! Kahit sila na lang at hindi na ako,” pahayag niya rito, at malayang umagos ang masagana niyang mga luha. Tila nagalit ang langit na naging saksi sa gabing ‘yon, dahil bigla na lang kumukulog at sunod-sunod na kidlat. Na parang nagbabanta ng anumang oras ay bubuhos ang malakas na ulan. Sumunod na rin siya sa mga anak niya at agad isinara ang punto. At maya-maya pa'y tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali namang pinulot ni Nadia ang mga damit niya na nagkalat sa lupa. Nang matapos niya itong pulutin ay tumakbo ito sa ilalim ng malaking puno ng santol. KINAUMAGAHAN, maagang nagluto si Mando para sa mga anak niya. Pero bago pa man siya nagtungo sa lutuan, binuksan muna niya ang bintana at sinilip kung naroon pa ba ang asawa niya. Nang matantong wala na ito ay agad na siyang nagpunta sa kusina. Kasalukuyan siyang nagluluto nang biglang lumapit si Esme sa kanya. “Magandang umaga, tay.” Sabay upo sa upuan na kawayan. “Uh! Bakit ang aga mong bumangon?” malumanay nitong tugon. “Narinig ko kasi ang kaluskos kaya nagising ako.” Pareho ang mag-ama na nanibago sa loob ng kanilang kubo. Sapagkat ito ang unang araw na hindi na nila kasama ang kanilang ilaw ng tahanan. “Esme…” pukaw ng ama nito. Dahil nakatitig ito sa kuwartong nakabukas. “Bakit po, tay?” Sabay lingon nito sa ama. “Kailangang masanay na kayo na wala ang nanay ninyo.” Seryoso itong nakatitig sa anak niya. “Opo, tay,” nakayuko nitong sagot. “Galit ka ba kay tatay?” Lumapit siya sa anak, hinaplos ang mahaba niyang buhok. “Hindi po ako galit sa'yo, tay. Kay nanay ako galit. Bakit pa kasi kailangan niyang maghanap ng ibang lalaki,” seryoso nitong tugon “Kausapin ko na lang muna ang Auntie Faith ninyo na dito muna siya sa bahay pansamantala. Para mayroon kayong kasama dito,” suhestyon ng ama nito. “Sige po, tay.” “Patapos na rin ang trabaho ko sa bayan. Pagkatapos doon ay dito na ako maghanap ng trabaho,” anang ama nito. “Mabuti kung gano'n, tay.” Bahagya siyang nakangiti. “Esme, baka hindi pa agad makapunta dito ang Auntie Faith mo, isasama ko na lang bukas si Edgar. Doon na lang muna siya sa lola mo,” suhestyon ng ama niya. “Huwag po, tay! Ayaw kong nagkalayo kami ng aking kapatid. Isasama ko na lang muna siya sa paaralan, sabihin ko sa teacher ko na walang magbabantay sa kanya,” tutol niya rito. “Sigurado ka, nak?” pagkumperma ng ama. “Opo, tay. Nawala na si nanay sa atin, kaya ayaw ko pati ang aking kapatid malayo pa,” katwiran niya. “Sige, kung ‘yan ang gusto mo,” pagsang-ayon nito. NASANAY sila nang tuluyan na wala na ang ilaw ng kanilang tahanan. Naging responsableng bata si Esmeralda, siya ang naging katuwang ng ama niya sa pag-aalaga sa kaniyang nag-iisang kapatid. Naging madiskarte siya sa buhay, sinabay niya ang maghanap ng mapagkakitaan upang matulungan ang ama kahit sa kaunting halaga. Hindi na siya humihingi ng baon araw-araw sa ama, kahit sa kapatid niya ay siya rin ang nagbibigay. Ngunit sa paglipas ng ilang araw't buwan ay tutong uminom ng alak si Mando. Ito ang naging sandalan sa sakit na ginawa ng asawa niya. Sapagkat walang araw na dinamdam niya ang panloloko nito. SEVEN YEARS LATER KASALUKUYANG nasa fourth year high school na si Esmeralda, ilang buwan na lang ay graduate na siya. Walang araw na hindi siya excited na makapagtapos na siya, halos hindi na siya makapaghintay pa. Sapagkat mataas ang pangarap niya na maahon sa hirap ang mahal niyang ama't kapatid. ISANG araw, kasalukuyang nasa klase si Esmeralda, nang biglang dumating ang kapatid niyang si Edgar, na ngayon ay edad dose anyos na. “Ateee, Esme… “ hinihingal nitong tawag sa kanya. Napatayo bigla ang dalaga, dahil sa pustura ng kapatid niya. “Excuse me, ma'am!” Dali-dali siyang lumabas upang puntahan ang kapatid. “Edgar — Ano ang nangyari sa'yo?!” pag-alala niyang tanong rito. Sabay punas niya sa bawat butil na nasa mukha. “Ate… si ta — Si tatay—” “Anong nangyari kay, tatay?!” Biglang kumabog nang mabilis ang puso ni Esmeralda, at agad nag-aalala para sa tatay niya. “Isinugod siya sa hospital, ate.” Umiiyak na ang kapatid niya. “Ano?! Bakit?! Ano ba ang nangyari?” sunod-sunod niyang tanong. Umiiyak na sa pag-aalala si Esmeralda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD