PATUNAYAN ANG PAGTATAKSIL

1311 Words
MALUNGKOT na pumasok sa loob ng kubo si Esmeralda, nabungaran niya ang ina na nakahiga pa sa kwarto nito. At nakasilay sa labi ang ngiti nang tagumpay. “Mano po, nay.” Seryoso ang mukha niya habang kinuha ang kamay ng ina. “Bakit maaga kang umuwi?!” gulat nitong tanong, at dali-daling bumangon. “Wala kasi ang teacher namin sa hapon kaya umuwi na lang ako,” kalmado niyang sagot. “Ganoon ba? Naabutan mo ba ang Ninong Tiago mo sa labas?” Nanatili pa rin ang ngiti nito. “Opo. Binigyan pa nga niya ako ng isang daan, dagdagan ko daw sa baon ko.” Sabay buka sa palad at ipinakita sa nanay niya ang pera. “Ang bait talaga ng Ninong Tiag—” Hindi na natuloy ang sasabihin pa ni Nadia, sapagkat tinalikuran na siya ng dalagita. “Esmeralda…” tawag niya rito. “Bakit po, nay?” Hindi siya lumapit sa ina, at nagtungo siya sa kwarto upang magpalit ng damit. “Ikaw muna ang magsaing, medyo pagod ako,” utos niya nito. “Bakit po, nay? Ano po ang ginagawa ninyo?” seryoso niyang tanong. Dahil sa kanilang malakas na boses ay nagising ang kapatid niya. At hindi na rin siya sinagot pa ng ina. “Ate Esme, may pasalubong ikaw sa akin?” malambing na tanong ng limang taong gulang na bata. “Siyempre naman!” At kinuha niya ang lollipop mula sa bulsa ng kanyang bag. Nakasanayan na niya na dalhan ng pasalubong ang kapatid niya kahit candy o lollipop ay masaya na ito. KINABUKASAN ng hapon, naabutan ni Esmeralda ang nanay niya na nakaupo sa bukana ng kanilang pinto. Agad pumasok sa isip niya na baka ang Ninong Tiago nito ang hinihintay. Nakasalubong na naman ang kilay niya nang maaalala na naman ang nangyari noong mga nakaraang araw. “Mano po, nay.” Sabay kuha niya sa kamay ng ina. Na seryoso ang mukha niya. Hindi ito sumagot, bagkus tumingin ito sa malayo. “Nay, may hinihintay ka ba?” Sinundan ng kanyang mga mata ang direksyon kung saan nakatingin ang ina niya. “Huh! Wala naman!” Dali-dali itong tumayo, at nagtungo sa maliit nilang lutuan.”Esmeralda, wala na pala tayong panggatong pwede bang kumuha ka sa likod?” dagdag pa nito. “Sige po, nay.” Agad naman siya lumabas upang sundin ang utos ng ina. “Bilisan mo!” Parang mainit ang ulo ng nanay niya. “Opo!” pasigaw nitong tugon. “Sana hindi ka pupunta ngayon, Ninong Tiago,” dagdag pa niya sa mahinang boses. Natapos ang buong gabi na hindi dumating ang hinintay ni Nadia. Kinaumagahan ay maaga siyang gumising at mas nauna pa itong naligo kaysa anak niya. Ngunit dahil sa buhos ng tubig ay nagising na rin si Esmeralda. “Nay, bakit ka maagang naliligo?” pagtataka niyang tanong. “Aalis ako. Huwag ka munang pumasok, walang mag-aalaga sa kapatid mo,” sabi nito, habang patuloy ang pagbuhos niya ng tubig. “Huh?! Hindi puwede, napabagsak ang boses niya na sumagot sa ina. “Sige na, Esmeralda. Mayroon lang akong importanteng pupuntahan sa bayan, dadaanan ko na rin ang tatay mo,” pagdadahilan niya sa anak. Hindi na nagsalita si Esmeralda, dahil alam naman niya na ang desisyon ng nanay niya ang laging nasusunod sa tuwing wala ang tatay niya. Pabagsak siyang umupo sa upuan na kawayan na laylay ang mga balikat nito. At pilit pinigilan ang mga luha na nagbabantang lumabas. Umalis nga si Nadia na hindi man lang ipinagluto ng almusal ang dalawang anak na maiiwan. Sumapit ang hapon at nagtatakip-silip na, subalit hindi pa nakauwi ang nanay nila. At maya-maya pa'y dumating na ang tatay nila, ngunit hindi kasama ang kanilang ina. “Tatay… .” Masigla na sumalubong ang nakakabata niyang kapatid, at sumunod naman siya na nakangiti. “Mano po, tay,” aniya. “Oh, nasaan ang nanay?” masaya nitong tanong, at niyakap ang dalawa niyang anak. “Umalis siya kaninang umaga, tay.” “Huh! Saan daw siya pumunta?” pagtataka na tanong nito. “Hindi ko alam, tay. Ang sabi lang may importante siyang pupuntahan, pagkatapos ay dadaanan kaniya para sabay na kayong umuwi,” mahabang paliwanag niya sa ama. Hanggang sa nakapasok na sila sa loob ng kanilang kubo at hindi pa rin maalis-alis sa isipan ni Mando, kung saan nagpunta ang asawa niya, at gaano ka importante ang nilalakad nito para aabutin ng gabi. “Esme, nagsaing ka na ba?” malumanay niyang tanong, at halata sa boses na pagod ito. “Opo, tatay, tapos na akong magluto ng kanin.” Sa tuwing Biyernes ay nakasanayan na nilang hindi magluto ng ulam para sa hapunan, sapagkat nagdadala si Mando ng lechon manok. Sumapit ang alas-siyete ngunit hindi pa rin nakauwi si Nadia, kaya alalang-alala ang padre de pamilya. Subalit sa isip ni Esmeralda, baka pinuntahan ng nanay niya ang Ninong Tiago. “Mga anak, kumain na tayo!” Matigas ang boses nito, halatang galit ito. “Hindi na ba natin hintayin si nanay?” malungkot na tanong ni Esme. Kauna-unahang beses pa lang na nangyaring hindi nila nakasabay sa hapunan ang kanilang ilaw ng tahanan. “Hindi na!” Sige na, kumain na tayo!” Sumunod ang magkapatid sa kanilang ama, at tahimik silang kumain. Alas-nuwebe ng gabi nang dumating si Nadia, kasalukuyang nasa upuang kawayan pa rin si Mando na naghihintay sa asawa niya. Ngunit ang kanilang mga anak ay natutulog na. Maingat na binuksan ni Nadia ang pinto upang hindi magising ang mag-ama niya. Dahil ang buong akala nito ay tulog na rin ang asawa. “Bakit ngayon ka lang?! Saan ka galing?!” galit niyang tanong sa asawa. Nagulat si Nadia sa biglang pagsasalita ng asawa niya, at bahagya siyang napahinto sa tapat ng pinto. “S-sa bayan…” kinabahan niyang tugon. “Ano naman ang ginawa mo sa bayan?” Matigas pa rin ang boses nito. “K-kuwan… pinuntahan ko ang aking kaibigan na galing sa ibang bansa.” Pagsisinungaling niyang tugon. “Sa tingin mo maniniwala ako sa sinabi mo?” Hindi siya kumbinsido sa sagot ng asawa niya. “Hindi naman kita pipilitin na maniwala ka, basta nagsasabi ako ng totoo!” tumaas na rin ang boses nito. Tinalikuran ang asawa na hindi pa tapos sa kaniya at pumasok sa kwarto. “Hindi pa tayo tapos!” At sinundan niya ito. Dahil sa lakas ng boses nila ay nagising si Esmeralda, at tahimik na pinakinggan ang away ng mga magulang niya. “Sabihin mo nga sa akin, Nadia — May lalaki ka ba?!” direkta niyang tanong dito. “Wala!” At hinubad niya ang damit para magbihis. “Sigurado ka?!” “O—” hindi natapos ang pagsagot ni Nadia, sapagkat bigla siyang kinabig at pinahiga sa sahig na kawayan. “M-Mando… ano ang ginagawa mo?” Kunwaring hindi niya alam ang ginagawa ng asawa niya. Walang sagot na lumabas sa labi niya, at patuloy ang paghalik niya sa leeg ng asawa nito. Ito lang ang naisip niyang paraan upang malaman kung nagsasabi ng totoo ang pinakamamahal niyang asawa. “M-Mando, h-huwag ngayon dahil pagod ako…” pahayag nito, at pilit niya itong tinulak. Nanatiling walang sagot si Mando, bagkus lalo pa siyang nagdududa dahil ngayon lang tumanggi ang asawa niya. Sa katunayan, ito pa nga ang laging nangangalabit sa kanya. Pero ngayon ay parang nandidiri na sa kanya. Nagpatuloy siya sa ginagawa. Bumaba ang mga halik nito at pinatong ang mga palad sa malusog nitong mga dibdib na sinamahan ng buong pagmamahal na pisil. Dahan-dahan naman na lumambot ang pagpumiglas ng asawa niya nang magsimulang gumapang ang halik nito patungong dibdib. At unti-unti na itong nagparaya sa kanya. Biglang napahinto si Mando sa ginagawa niya at lumaki ang bilog niyang mga mata nang makita nito ang dalawang kulay pula sa gilid ng dibdib nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD