KASALUKUYANG nakaupo sa malawak na sopa si Esmeralda at tiningnan ang kabuuan ng paligid pansin niya ang dalawang pinto at sa isip niya ay mga kwarto ito. Tumayo siya upang silipin ang mga loob nito. “Ninong, silipin ko lang ang mga kwarto!” pasigaw niyang paalam. “Sige. Susunod na lang ako!” tugon nito. Unang binuksan niya ay ang nasa malapit sa pinto. “Wow!” Nagustuhan niya ang kwarto dahil malawak at mayroong sariling banyo. Napangiti siya at emosyonal na umupo sa malambot na kama. Agad rin siyang tumayo at nagtungo sa kabilang kwarto. Speechless siya nang mabungaran ang buong loob. Napangiti siya at dahan-dahan na pumasok. Huminga siya nang malalim upang amuyin ang mga talulot ng iba't-ibang kulay ng mga rosas. “Nagustuhan mo ba?” bulong ni Tiago sa tainga nito, at nakayakap na