PUMASOK si Jake sa loob ng sasakyan, at seryoso niyang pinaandar ang makina ng sasakyan. Habang si Tiago naman ay lihim na sinusulyapan ang inaanak. “Esme, kilala mo ba ang kaibigan ko?” kalmado na tanong niya. “Uhm… hindi po, ninong. Pero parang pamilyar ang mukha niya, hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita,” seryoso niyang tugon. “Baka kamukha ko lang, ma'am,” sabat ni Jake, at bahagya itong ngumiti. “Uhmm… baka nga!” Sang-ayon niya. “Esme, siya pala si Jake, kaibigan ko.” Pakilala ni Tiago. “Hello!” bati ng dalaga. “Jake, si Esmeralda, girlfriend ko!” Iyon ang pagpapakilala ni Tiago. “Hello, ma'am!” bati naman ni Jake. Hindi na nagsalita si Esmeralda at tanging tango ang tugon niya. Sapagkat ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda si Tiago sa kanya. Pagkalipa