LUMAPIT sa kanila si Nadia, at yumakap ito sa, kanya. “Salamat at dumating ka, anak,” masaya nitong saad. “Kung hindi dahil kay, Edgar hindi ako pupunta dito,” walang preno nitong tugon. Hindi pinapansin ni Nadia ang sinabi ng panganay niyang anak. Dahil masaya pa rin siya na dumating ito. “Anak, siya ang, Tatay Moises mo—” “Isa lang ang aking tatay, At si, Tatay Mando iyon!” diretso na tugon ni Esmeralda “Pasok kayo sa loob!” alok ni Nadia, at hinawakan niya ang kamay ng panganay na ako. Pumasok sila, at inakbayan ng kapatid niya. Sumunod naman si Tiago, sana panghuli naman si Moises na seryoso ang mukha nito. “Maupo kayo!” wika ni Nadia. “Salamat!” tugon ni Tiago. Tiningnan ni Esmeralda ang buong loob ng bahay at maayos naman ito, halatang mayroong kaya ang naging asawa