PINAGTAPAT NI ESMERALDA ANG RELASYON NIYAVSA KAPATID

1550 Words

TINITIGAN niya ang ina bago ito nagsasalita. “Narinig ko ang pag-aaway ninyo ng asawa mo. Ayaw kong lumaki pa iyon dahil lang sa amin.” Habang nagsasalita si Esmeralda ay nakaramdam siya ng awa sa ina niya. Sumagi rin sa isip nito na baka palaging sinasaktan ang nanay niya. “Pasensya ka na, anak.” Tila nahihiya ang ina niya sa narinig nito. “Sabihin mo nga sa akin, nay. Sinasaktan ka ba ng lalaki mo?!” Seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Esmeralda at tinitigan niya ito sa mga mata. “ Hindi — Hindi! Hindi niya magagawa sa akin iyan, dahil mahal niya ako!” Nagsinungaling si Nadia, dahil ayaw niyang mapahiya sa harapan ng mga anak, lalo na kay Tiago. Ang lalaking lihim niyang minahal noon at hanggang ngayon. Ngunit ang totoo, madalas siyang sinasaktan sa tuwing nakainom at naka-dr0g@ ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD