Nauna akong umuwi ng bahay. Nabilinan naman ni Theo ang mga bodyguard na bantayan akong mabuti. Dahil tiyak na maramiraming galit si mama na baka maibunton n'ya sa akin. Limang araw. Limang araw kami sa resort ni Mr. Colt Vandres. Iyong limang araw na iyon ay hindi ko inisip ang problema ko sa pamilya. Masaya naming inubos ang limang araw ni Theo na kami lang dalawa. Daig pa namin ang nasa honeymoon. Halos umaga, tanghali, at gabi. Tulog, kain, at kaunting lakad lang ang pahinga namin. Walang kasawaan sa isa't isa. "Manang Fey, si mama?" tanong ko sa matanda. "Nasa kwarto n'ya. Gusto mo bang tawagin ko?" "Ah, papasok muna po ako sa kwarto. Saka n'yo po sabihin." Saka ako kumilos patungo sa kwarto. Nag-lock din ako, para kung puntahanan man ako ng ginang ay ready ako. Wala pan