Hope Napra-pranning na ako. Paano kung umayaw na nga si Theo sa akin dahil sa na witness n'yang kaguluhan sa family ko? Ano ang gagawin ko? Hindi n'ya sinasagot ang tawag ko. Kahit messages ay wala man lang akong matanggap na reply rito. Napa-paranoid na ako. Si Happiness, gusto ko rin siyang makausap. Willing akong magpanggap na ina n'ya para lang maayos ang problema ko. Pero hindi naman siya umuuwi pa rito. "Nandito ka na naman." Napasimangot na ani ni Kuya Bogs sa akin. Kailangan ko na naman nang tulong nito. Kung pati ito'y tatalikuran din ako'y hindi ko na alam kung saan pa ako lalapit. "Kailangan ko ulit ng pera." "Hope, naman! Ano bang tingin mo sa akin? Sumusuka ng milyones?" inis na ani ng lalaki. "Kailangan ko ng pera, Kuya Bogs. Kailangan mo akong tulungan." Pakiusap