Kasabay namin ngayong kumakain si Colt Vandres. He is the owner of this private resort na walang guest ngayon. "Sadyang talagang walang guest ngayon dahil narito ako." Magiliw na sagot nito sa tanong ko kung bakit walang guest ang private resort nito. "Parang si Theo sa private resort n'ya. Kapag naroon siya ay hindi talaga siya nagpapapasok ng ibang tao." Tumango-tango naman ako. Ang pasta na order ko ay tinitigan ko. Ang weird nang pakiramdam na kausap ito. Ang gaan-gaan n'ya sa pakiramdam kaya ang weird talaga. "Happiness, isa si Mr. Vandres sa business partner ko. Hindi lang dito sa Pilipinas ang sakop ng negosyo n'ya. Mayroon din sa US at Europe." "Wow. Bigatin po pala kayo." Puri ko. Naa-amaze naman kasi ako. "Naku! Hindi naman, hija. Ang lahat ng mga pinaghirapan ko ay mapupunta