"Happiness! Kahit kailangan talaga ay gulo ang dala mong bata ka." Habol ni mama sa akin hanggang sa makarating sa sala at mahablot nito ang braso ko. Nakalimutan ata n'yang kasama namin si Theo. Nakalabas na kasi ang sungay at handa na akong suwagin. "Ma, ano ba? Nakikita mo ba ang ayos ko? Bakit ganyan ka, ma? Anak mo iyong inagrabyado nila. Pero wala ka talagang pakialam. Ako iyong inagawan ng kasintahan, ako iyong na left out sa pamilya, ako iyong laging pinagbubuntunan ng init ng ulo nila. Ako iyong binuhusan ng juice, ako rin iyong sinabunutan. Ma, kasalanan ko pa rin? Ako pa rin ang nakikita mong mali? Oo, alam kong ayaw mo sa akin. Malinaw na malinaw iyon. Pero magtatanga-tangahan pa ba naman tayo? Laro ba iyan, ma? Na kapag mas tinangahan mo ay ikaw ang panalo?" sigaw ko. Nag-e-e