"Ang simple lang naman ng request namin sa 'yo. Mag-maid of honor ka lang sa kasal ng pinsan mo. Hindi mo pa mapagbigyan? Ano namang klaseng attitude iyan, Happiness? Hindi ka namin pinalaking ganyan." Seryosong giit ni Tiya Carmelita. Hindi nila ako pinalaki na humihindi sa mga bagay na gusto nila. Iyon ang tamang salita na dapat nitong gamitin. "Oo nga, Happiness. Para ka namang batang nag-iinarte, eh." Pabirong ani ni Tiya Theresa. Kalmado lang silang nagsasalita dahil narito sa umpukan si Theo. Pero iyong mga salita nila, kahit pa kalmado ay nakakapikon. "Si Yolly ay pumayag na. Pero ikaw talaga ang gusto ni Lala na maging maid of honor n'ya. Pagbigyan mo na." Pakiusap ni Tiyo Bogs sa akin. Para silang mga maaamong tupa na handang gawin ano man ang gustuhin ni Lala. "Sige po. Kung