Gusto ko sanang asikasuhin si Theo. Pero nandyan si mama. Hanggang nood lang ako, hanggang palihim na sulyap. Asikasong-asikaso ni mama si Theo. Bakit kaya gano'n... kaya n'yang umasikaso ng lalaki. Pero pagdating sa anak ay parang gusto na n'yang isuka? Why? "Kung may kailangan ka, magsabi ka lang sa akin. Asikasuhin kita." "Thanks, love." Bored na sagot ni Theo. Saka ito maingat na sumandal sa couch. "Pwede bang ipaghanda mo ako ng merienda?" "Sure, love." Saka siya lumakad. "Iyang tingin mo, Happiness." Puna ni mama sa akin nang saglit n'yang iwan si Theo. "Ang galing mong mag-aasikaso, ma. Sana ganyan ka rin noon sa akin." Saka ako ngumisi rito. "Stop it. Nandyan ang daddy mo. Huwag mong sirain ang araw ko." Bumungisngis ako't saka marahang hinaplos ang balikat nito. "Ang init na