"Mom, itong si Theo pa-grand entrance palagi." Dinig kong reklamo ni Fifth. "Magtigil ka, Fifth. May tama na nga iyang kapatid mo ay iyan pa ang iniisip mo." Masungit na ani ng kanilang ina. "Mommy, malayo sa buto. Mabubuhay pa iyan. Basic lang kay Theo iyan." Kung maka-basic ay akala mo'y hindi n'ya ako hinawi kanina para lang makalapit agad sa kapatid n'ya. Ang ipinagtataka ko lang... parang normal lang sa kanila. Lalo na kay Mommy Keia na kalmadong ipinag-utos kanina na magpatawag ng doctor. Ito pa nga ang nagbigay nang paunang lunas sa kanyang anak. Ako na nakakita ng dugo ay agad na nag-panic. Pero sinabihan lang ako ni Fifth na baka mahimatay raw ako't kailangan pang asikasuhin. Hawakan ko na lang daw ang kamay ni Theo. Ngayon ay nakahiga ako sa tabi nito. Mugto na ang mga