Hope Kailangan ko ng pera. Kailangan. Kailangan ko. Iyon ang nasa utak ko habang nagkakalkal sa mga gamit ng asawa ko. Baka sakaling may makuha ako't magamit man lang. Pero wala. Nakailang tawag na ang pinagkakautangan ko. Pinapaalala na naman sa akin na kailangan ko nang magbayad. Ilang linggo na ang lumipas pagkatapos kong magbayad ulit ng limang milyon. Ngayon ay nangungulit na naman sila. "Ma?" napaiktad ako sa gulat nang marinig ko ang pagkatok ni Happiness sa pinto. Dali-dali kong inayos ang mga gamit na naikalat ko. Bago ko buksan ang pinto ay kinalma ko muna ang sarili ko. "What?" mataray na ani ko sa anak kong nakasimangot nang buksan ko ang pinto. "Tumawag si Lola. Punta raw tayo sa bahay nila." "Why?" "I don't know. Hindi ka raw nila ma-contact kaya sa akin sila tumawag.