"Babe, good morning!" ang malawak na ngiti ng nobyo ang bumungad sa akin. Marahan nitong hinahaplos ang buhok ko, habang titig na titig sa akin. Sa mga nagdaang araw na magulo ang mundo ko, ngayon lang ako nagising na masaya at magaan ang pakiramdam. Agad akong yumakap dito't sumiksik sa katawan n'ya. "Morning, babe." Antok pang sagot ko. Saka humalik sa leeg nito. "Tumawag na ba si mama? Nakausap mo na?" "Hindi pa. In-text ko naman siya kagabi. Sinabi kong may meeting ako kaya hindi ako makakasunod. Hindi pa siya nag-reply." Akmang hahalikan ako nito nang mag-ring ang phone n'ya. "Siya iyan." Saglit itong umalis sa tabi ko at kinuha iyon. Wala man lang saplot ang lalaki. Para itong nagmomodelo, Hindi ng damit, kung 'di ng katawan lang. Nang makuha n'ya ang phone n'ya ay bumalik si