"I love you, Happiness. Please, hintayin mo lang ako nang kaunti pa. May kailangan lang akong gawin. Kailangan kong gawin ito para sa 'yo." Para akong nananaginip. May narinig akong nagsalita. Pero nang magmulat ako ng mata ay wala namang tao sa silid. Pero tama lang na sumara ang pinto. Iyong nagsasalita sa panaginip ko'y hindi ko naman naintindihan. 5 pm na base sa orasang nakapatong sa table. Bumangon na ako't dumeretso sa kwarto. Hindi naman ako nanlalagkit. Iyon ang isa sa gusto ko sa lalaki, kahit gaano kami kapagod, makatulog man ako, tinitiyak pa rin nitong nalinis n'ya ako. Isang malaking t-shirt ang suot ko nang lumabas ako ng kwarto. Expected kong mag-isa lang ako, pero nagulat ako nang makita ko ang lalaking abala sa kusina. Naghahanda ito ng pagkain, na ng mapansin ako'y bah