Hindi ako ang star ng gabing ito. Iyon ang tumatak sa isip ko habang nag-iisip nang dahilan para makaalis sa party ni mama. Ilang batch mates na nito ang nakipag-usap sa akin, agad ngang lumapit si mama sa tuwing may kumakausap sa akin. Alam kong inis na inis na ito dahil panay papuri ang naririnig namin sa kanila. Puring-puri nila ako. Lumaki raw ako na maganda at halatang matalino. "Alis na, Happiness." Bulong ni mama. Sabay smile sa kaibigan n'ya. "Opo, kumukuha lang po ako ng tiempo." Saka ko siya iniwan. Lumapit ako kina lola para sana roon muna. Pero agad nila akong tinanong kung ano iyong kanina pa ibinubulong ni mama sa akin. "Gusto po nilang umalis ako." "Oh, ano pang ginagawa mo? Bakit hindi ka pa umalis?" napaawang ang labi ko sa deretsang sinabi ng lola ko. Pati pagt