Hope "Kuya," mahinang tawag ko sa lalaking inabutan kong naghuhugas ng kamay. Halatang nagulat ito nang makita akong pumasok ng banyo. "H-ope." Halatang naging defensive ang tayo nito. Nang lumapit ako'y agad itong umiwas na magkadikit kami. "Bakit umiiwas ka? Kakausapin lang kita." "Lasing ka ba? Doon tayo sa labas mag-usap." Akmang lalabas na ito pero mabilis akong nagtungo sa pinto at in-lock iyon. "Hope." Halatang naiilang na rin ito. "Kuya, busy pa naman si Ate Carmelita. Pwede bang mag-usap muna tayo rito?" "No." Tanggi nito. Pero bumungisngis lang ako't nanatiling nakaharang sa pinto. Parang dati lang, no rin ang sagot nito. Ayaw raw n'yang makipag-usap sa akin ng kami lang. "Natatakot ka bang maulit iyong nangyari dati?" tudyo ko rito. "Don't mention it, Hope. Huwag kang ma