Nalalapit ang kasal ni Lala at Edrik. Mas naging paranoid si mama. Nasa iisang bubong pa rin kaming tatlo, magkakasama kami, pero si mama ay kung ano-ano pa rin ang iniisip. Halos gabi-gabing pagtatalo na ang nangyayari sa kanila. Kaya gabi-gabi ring sumasalisi si Theo para matulog sa kwarto ko. Kinakabahan na nga ako. Feeling ko'y may alam na ito. What if nga may alam na ito? Tapos tahimik lang siya? Iba na ang tingin ni mama sa akin. Sa tuwing nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin ay mabilis siyang umiiwas nang tingin. Dumating ang araw ng kasal. Dahil magkaaway si Theo at mama ay hindi na pinasama ni mama si Theo. Ang balak namin ni Yolly ay sirain ang kasal ni Lala. Pero habang naghihintay kami rito sa labas ng simbahan ay nakabuo ako nang desisyon. "Hindi ko sisirain ang