Carmelita "Ikaw? Ikaw ang naglabas ng 50 million sa kompanya?" tulog na ang lahat. Kinailangan ko pang painumin ng sleeping pills ang anak ko para lang makatulog ito at makapagpahinga. Sobra-sobra na ang stress nito kaya naman pinainom ko na. Ngayon ay kauuwi lang ng aking asawa. May tumawag dito at nagkukumahog itong umalis ng family house. Ngayon na kababalik ay halos hindi makatingin nang tuwid sa akin. "Tinatanong kita, Bogs. Ikaw ang naglabas ng milyon-milyon sa kompanya?" humakbang ako palapit dito. "Saan mo dinala ang pera?" naluluhang tanong ko. Hindi pumasok sa utak ko si Bogs ang nakialam ng pera ng kompanya. Malaki ang malasakit nito sa negosyo ng pamilya Abio - Del Gaio. Kaya bakit n'ya nagawa iyon? "Bogs!" "Hindi ako, Carmelita." Sagot ng lalaki pagkatapos kong mag