Carmelita "Mom, may problema ba kayo ni dad?" tanong ng aking anak nang lumabas ako sa aming silid. Nagsabi na si Bogs na uuwi na raw muna kami para hindi halata na may problema kaming mag-asawa. Pero natatakot akong umuwi. Nakuha na n'ya akong pagbuhatan ng kamay. Tiyak kong hindi maiiwasang magtalo kami at baka masaktan na naman n'ya ako. "Ha? W-ala." Medyo nautal pang ani ko. Saka umiling. Hinila n'ya ako't dinala sa silid n'ya. "What is wrong, mom? Tungkol ba ito sa problema sa company?" seryosong nakatitig ito ngayon. Naghihintay nang sagot. "Hindi, anak. Ah, inaalala lang namin ng ama mo ang kalagayan mo." Pagsinungalingan ko sa aking anak. Pero napasimangot ito saka umiling. "Maglolokohan pa ba tayo, mom? I'm fine. Perfectly fine. Si Happiness lang ang kailangan ko... kapa