Carmelita Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng aking asawa. Halata ang gulat sa mukha nito, inulit ko pa iyon. Pinainom ko ulit nang sleeping pills si Lala para makapagpahinga ito. Kaya ngayon ay malaya kong ginawa ang kanina pang nais kong gawin dito. Hindi pa na kontento. Inulit ko pa ang pagsampal dito. "Ano bang problema mo?" sigaw nito sa akin. "Problema ko? Ikaw, Bogs! Ang laki-laki nang problema ginawa mo sa kompanya. Tapos ngayon ay nakuha mo pa akong lokohin." "Lokohin? Anong pinagsasabi mo? Hindi kita niloloko." Ganting sigaw nito. "Kitang-kita ko, Bogs! Pumasok ka ng casino na may kasamang babae. Huwag mo akong gaguhin! Putangina ka." Galit na galit na sigaw ko. Natigilan ang lalaki pero nagsalita rin pagkatapos. "Wala akong babae. Nagkakamali ka sa ibinibinta