Carmelita "Ibabangon natin ang kompanya." Iyon ang huling sinabi ng aking ama pagkatapos n'yang magpatawag ng pulis at i-report ang mga kaganapan. May abogado na ring nakausap ito at nagtanong na ang aking ama kung ano ang dapat gawin. "Tama, mas matagal akong nagtrabaho sa kompanya kaya tutulong ako!" ani ko. Tinignan nila akong lahat. Halata naman disappointed sila. Kahit hindi ako ang may gawa ay alam kong may part na ako ang sinisisi nila. Wala akong kasalanan, tulad nila ay biktima rin ako ni Bogs. "Sir, may tawag po sa inyo." Iniabot ng assistant ni papa ang phone ng matanda. Agad namang sinagot ng matanda iyon. "Yes?" lahat kami ay nakaantabay sa pag-uusapan ng mga ito. "Ano?" biglang hiyaw ng mga ito. "Pa?" ani ni Theresa. Hindi na makapaghintay na matapos ang tawag. "K