Hindi sinabi ni Theo kung sino ang ama ko. Pero ipinangako n'ya na ipapakilala n'ya sa akin ng personal. Sa totoo lang nabuhayan ako nang pag-asa. Kung gusto n'ya akong maprotektahan, kung gusto n'yang matiyak ang kaligtasan ko, ay kahit siguro maliit na porsiyento ay may possibility na matanggap n'ya ako. Wala nang chance pang matanggap sa pamilya Abio - Del Gaio. Baka sa side ng ama ko ay ituring nila akong pamilya. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Yolly sa akin habang abala siya sa paghiwa ng prutas. Umalis si Theo. Sabi n'ya ay trabaho lang. Pero simula nang nalaman ko na may dalawang grupo s'yang hinahawakan ay ibang 'trabaho' na Ang pumapasok sa utak ko. "Bumubuti naman na." "Nasabi ni Theo na galing dito ang family natin. Anong ginawa nila rito?" "Ayon, ininsulto a