Theo Giovanni Zimmer Payapa nang natutulog si Happiness sa hospital bed n'ya. Maingat akong umalis sa tabi n'ya upang hindi siya magising. Sa sobrang ingat ay hindi nga nito namalayan iyon. Hinila ko ang upuan at saka ako naupo roon at ginagap ang kamay nito. Love at first sight? Noon ay hindi ako naniniwala roon. But because of this woman... nagbago ang lahat. Ilang buwan akong nanatili sa Hongkong para makipaglapit kay Hope. Ilang buwan lang na magkakilala, ay inalok ko na siya ng kasal... pekeng proposal na agad naman n'yang kinagat. Kinundisyon ko rin ang utak nito para mapaniwalang istrikto ang family ko at kailangan maiayos ang gusot sa pamilya nito. Hindi naman ako nabigo. Dahil nagsimula itong magbigay ng mga detalye sa buhay nito. Nang umuwi ako ng Pilipinas ay balak ko s