"Sina Beth na muna ang bahala sa 'yo sa resort. Kasama mo rin ang mga mahuhusay kong tauhan pati na rin iyong kaibigan ko." Nag-iimpake na kami ng gamit ko. Nandito kami sa mansion pero wala si mama. After ng kasal ni Lala ay hindi na raw ito pinayagan pumasok doon na mas lalo nitong ikinagalit. Ngayon ay tiyak kong nasa family house ito kasama ang parents n'ya. "Sinong kaibigan, Theo?" "Si Lily." Tugon nito saka isinara ang zipper ng maleta ko. "Si Lily? Kaibigan mo si Lily?" gulat na ani ko. Tumango naman ito. "Yes." "Talagang bantay sarado pala ako sa 'yo, 'no? Tipong iyak ako nang iyak no'ng nalaman kong karelasyon mo si mama pero iyong kasama ko sa hotel habang umaatungal ako'y galamay mo rin pala." "Galamay? I don't think so. Kaibigan ko siya. Hindi siya basta tauhan lang.