"Papa, may family ka po ba? Asawa? Anak?" kumakain na kami ng hapunan. Ako, si Theo, si Papa, si Manong Andres. "Wala, anak. Ang grandparents mo ay namatay dahil sa sunog. Sila lang ang family na meron ako at kilala ko. Naiwan sa akin ang isang negosyo na unti-unti kong napalago. Ngayon ay stable na ang lahat. Inaalala ko nga iyan mga iyan noon. Kanino ko iiwan ang mga negosyong pinaghirapan ko? Wala akong pamilya. Then dumating ka. May tagapagmana na ako." Bigla akong na pressure. Nagkaroon na ng ama, naging tagapagmana pa. "Wala po akong alam sa ganyan... I mean sanay po ako na empleyado. Kumikilos sa utos ng boss." "I'll train you if you want." "Bigla akong na pressure, pa." Amin ko rito. "Huwag, anak. Kung ayaw mo ay may mga tauhan naman ako na maaasahan mo. Sila ang nagtratr