Carolina Tulala ako habang nakaupo sa police mobile. Ang nakakapagtaka lang ay walang pera sa apartment. Nasaan ang pera? Gano'n kadali na nawala? "Si Bogs... hanapin n'yo si Bogs dahil tiyak na magkakasama lang sila." Dinig ko si Carmelita. Tama, si Bogs. Hindi namin nakita ni Theresa si Bogs. Baka nasa kanya ang pera. "Tiyak po ba kayong magkakasama sila?" "Oo, tiyak ako. Asawa n'ya ako." Pakilala ni Ate Carmelita. Magkakasunod na inilabas ang bangkay. Tatlong bangkay iyon. Hindi ko alam kung bakit wala akong kaamor-amor sa mga bangkay na naroon. Walang-wala na kami. Dahil iyon sa kagagaaan ng mga ito. Kahit si Hope na kapatid ko... hindi ko maramdaman ang awa rito. Sinagad nila kami. Sagad na sagad. "Tara na muna. Umuwi na muna tayo. Kaysa sa iba pa malaman ng magulang nat