Mabilis na lumipas ang mga buwan. Sa isang sulok ng ospital ay nanginginig ang mga tuhod ko sa kaba. Manganganak na si Happiness at kasalukuyan nang naka-confine sa isa sa private room ng ospital na ito. Ako naman ay kasunod lang nilang nagtungo. Inukupa ang kabilang silid. Ngayon ay naghihintay nang papasukin sa silid na pagdadalhan dito mamaya. Pinayagan akong samahan ito sa loob mamaya. CS siya. Dalawang sanggol ang ilalabas kaya naman mas mabuti na iyon gano'n. "Anak, huminga ka nang malalim. Baka hindi mo ma-witness iyong paglabas ng mga anak mo kung bubulagta ka d'yan. Huwag kang tutulad sa mga lalaki rito sa The Alpha's town na lumiliit ang mga itlog sa tuwing nanganganak ang mga asawa nila. Umayos ka, ipakita mo kung sino ka." Kanina pa ako pinakakalma ni mommy pero parang hindi