Iniwan talaga kami ni papa. Ako na parang tuod na yakap ni Theo ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Kung hindi pa umiyak ang kambal ay hindi pa kami kikilos. Bumitaw nga si Theo at binuhat n'ya na iyong dalawang car seat papasok. Ako naman na lutang pa rin ay hinila na ang dalawang maleta. Naiwan pa iyong dalawa na balak kong balikan na lang. Pagdating sa sala ay iginilid ko na lang muna. Itinuon ko ang atensyon ko kay Theo na nakatitig sa dalawang sanggol. "T-heo..." tawag ko rito. Kailangan kong ipaliwanag dito, at ipaalam dito kung sino ang dalawang sanggol na tinititigan nito ngayon. Nang tumayo ng tuwid si Theo at tumingin sa akin ay basa na ang pisngi nito ng luha. "Oh God! I'm sorry." Hindi ko na rin napigilang maluha at humakbang palapit dito para yumakap. "Happiness..