Hawak ng lalaki ang kamay ko habang nakatayo kami sa balcony at nakatanaw sa labas. Tulog na ang kambal at ito na iyong hinihintay na opportunity naming dalawa na makapag-usap. "Theo, ano ng balita kay Yolly?" iginiya ako nito sa couch at naupo bago ito sumagot sa tanong ko. "She's fine. May baby na rin siya. Mas matanda lang ng dalawang buwan sa baby mo." "Talaga?" gulat na ani ko. Hindi makapaniwala sa narinig ko rito. Tumango ang lalaki, inakbayan ako at kinabig pa lalo para madikit sa katawan n'ya. "Yes." "Kaya ba siya nagmadaling umalis no'n?" tango lang ang naging sagot ni Theo. "How about 'yong family namin?" "Miserable? Maraming ginawa ang mama mo sa kanila hanggang sa tuluyan na silang nalugmok." "W-hat? Anong ginawa?" "Nakipagrelasyon siya sa Tiyo Marvin, Tiyo Luis, at T