The Wedding. "Naisip kong imbitahin sina Lolo and Lola sa kasal ko, Theo. I mean ang family ko." Inaayos na namin ang invitation nang buksan ko ang topic na iyon. "Gusto kong gawin para wala akong pagsisihan." "Paano kung imbitahin mo sila pero hindi pa rin nagpunta?" "At least ginawa ko pa rin ang part ko, nag-effort pa rin akong gawin iyon. Tanggapin or hindi ay mauunawaan ko." Pilit pa akong ngumiti rito. Hindi ko naman nais patunayan sa kanila na maayos na ang buhay ko. Sadyang gusto ko lang na makapunta sila. "Kailan mo gustong ihatid sa kanila ang invitation? Ang huling balita ko ay umalis na sila roon sa property na tinuluyan nila after kunin ni mom iyong family house ninyo na ibinenta sa kanya. Well, may middle man sa bentahang iyon. Kaya nakuha ni mommy." "Alam mo ba ku