The Wedding. Habang naglalakad ako palapit kay Theo, walang tigil ang luha ko sa pagbagsak. Ang dami naming pinagdaanan bago nakarating sa destinasyon na ito. Kaya ngayon ay umaapaw ang puso ko sa labis na kagalakan. Si Mommy Keia at Isabelle ang may buhat sa kambal. Si Yolly ay malawak ang ngiti na buhat si Baby Jameson. Si papa na siyang kasama kong naglalakad ngayon ay alam kong kinakabahan. "Smile, anak. Ikaw na lang ang ngumiti kasi hindi ko magawa." Bulong ni papa. "Kinakabahan ka, pa?" tanong ko rito. "Galit ako, 'nak. Saglit mo pa lang nagamit iyong apelyedo ko. Tapos papalitan na agad ni Theo." Napabungisngis ako. "Papa, naman eh!" "Biro lang, anak. Kung saan ka sasaya ay roon kita ihahatid. Tulad nito... ihahatid kita sa taong alam kong magpapasaya sa 'yo. Medyo pangit lan