NEWS FLASH ‘Nakatakas mula sa pagkakakulong si Catrine Amelio kaninang hapon nang magpanggap itong nalason ng pagkain, pero nang dalhin na sa ospital ay mga armadong lalaki ang humarang sa ambulansya at itinakas ang suspek. Sa ngayon ay kasalukuyan na silang pinaghahanap ng ating mga kapulisan.’ Nagulantang ako sa bumungad sa akin pagkabukas ko ng TV. Nabitiwan ko ang hawak na remote at biglang napatayo. “No, hindi puwedeng makatakas ang Catrine na 'yun!” gulat kong sambit at marahas pang umiling. Hindi maaaring makatakas ang babaeng 'yun! Hindi ako makakapayag! “Kuya Dan! Kuya!” malakas kong pagtawag at tumakbo na papunta sa kitchen. “Kuya, nakatakas po si Catrine! Nasa balita na nakatakas siya at hindi pa nahahanap ng mga pulis!” humahangos kong wika pagkapasok ng kusina. Napalingo