Hindi ko na mapigilan ang mapaiyak pagkapasok ko sa loob ng kotse, wala na akong pakialam pa kahit nasa tabi ko lang si Kuya Daniel, basta umiyak lang ako habang nakatingin sa labas. Hanggang sa natanaw ko na ang paglabas ni Vince mula sa restaurant kasama ang babaeng buntis. “Mas mabuti sigurong lapitan natin sila at kausapin,” Kuya Daniel suggested. Pero mahina akong umiling. “Huwag na lang po, Kuya Dan. Para saan pa at lalapit tayo sa kanila? Para ipahiya ko ang sarili ko sa harap nilang dalawa? Magmumukha lang akong kawawa. Tingnan mo naman, buntis ang babae, at halata na mahal na mahal ni Vince.” Muli akong napahikbi. Kitang-kita ko pa kung paano pinagbuksan ni Vince ng pinto ng kanyang blue Lamborghini ang babae para lang makapasok ito. Mas lalo akong kinain ng selos. Para akong