WALA akong choice kundi pumayag sa gusto ni William na hindi isama ang anak ko sa aking pag-alis para dalawin si Dad. Pero pagdating ko ng ospital ay wala na pala si Dad, dahil dinala na pala ito sa Japan ng mga kapatid ko para doon na lang ipagpatuloy ang paggaling. Gusto ko man sumunod kay Dad sa Japan pero hindi pa puwede, dahil may usapan kami ni William, at ayokong iwan ang anak ko sa kanya, hindi ko kaya. And that William, siya pala talaga ang bumaril kay Dad. Pinakita sa akin ng mga kuya ko ang CCTV footage na nakuha sa ospital nung araw na 'yun; isang nakabonet na lalaki ang bumaril kay dad ng dalawang beses sa magkabilang braso at tig-iisa naman sa paa. Nang mapanood ko ang footage ay parang nanginig ang laman ko sa galit; hindi ako maaaring magkamali dahil kahit nakasuot man