Two years later Sa lumipas na dalawang taon na pananatili ko sa Japan ay naging okay naman ang takbo ng buhay ko. Pinagpatuloy ko na rin ang naudlot kong pag-aaral at kinalimutan ang bangungot ng nakaraan. My baby Yuki is now two years old, matuwid na ito sa pagtawag sa akin ng mommy. Pinalitan ko na rin ang kanyang pangalan; I named her ‘Yuki’ instead of ‘Cholette’ I hate that name, pati na rin sa nagbigay ng pangalan na 'yun; kung maaari ay ayoko nang may maalala pa sa demonyong lalaking 'yun ni katiting, dahil bangungot lang ang dulot ng alaala niya sa akin, nakakatrauma. Kamukha ko naman ang anak ko, kapag tinitingnan ko ang mga picture ko nung maliit pa ako ay magkamukhang-magkamukha nga kami. At lubos akong nagpapasalamat dahil sa akin nagmana ang anak ko. She was so sweet, excite