Akari's Point of View SA UNTI-UNTI kong pagmulat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang magagandang mga ulap sa kalangitan. “Patay na ba ako at nasa langit na?” iyon ang unang tanong ng isip ko nang maalala ang huling pangyayari; nasa ospital nga pala ako, pero bakit ngayon ay kalangitan na itong bumungad sa akin? Saglit pa akong napakurap, pero talagang magagandang ulap ang nakikita ko; ramdam na ramdam ko rin ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa balat ko. “Mommy, magkikita na po ba tayo?” mahinang usal ko habang nakatingin sa kalangitan, bahagya pa akong napangiti ng tipid. Baka nga patay na ako at ganito ang bumungad sa akin. Pero nang mapatingin ako sa tabi ko ay ganoon na lang ang gulat ko nang bumungad sa akin si William na nakahiga sa buhangin, sa tabi ko paharap sa ak