MAKIKITA man ang pagkagulat at galit sa mukha ni Dad dahil sa sinabi ko, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. He didn't ask kung sino ang nakabuntis sa akin, basta natahimik lang si Dad, pero gayunpaman ay ramdam ko ang tensyon sa emosyon nito; kitang-kita ko ang pag-igting ng panga at mahigpit na pagkuyom ng mga kamao. Hindi lang 'yun dahil masama pa nitong tiningnan si Butler Jin. Kung dati ay tama lang ang mga security sa mansyon, ngayon ay nag-iba na dahil marami na ang dinagdag na bantay si dad. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari sa mga dating security guard, pero hindi ko na nakita pa dahil lahat ay mga bagong mukha na, at nang tanungin ko naman si Butler Jin, ang sagot sa akin ay sinisante na silang lahat ni Dad; siguro ay dahil napunta sa kanila ang sisi nang mawal