“OH, bakit nakatitig ka lang sa mga pagkain? Anong problema, apo?” tanong ni Lolo nang mapansin ang hindi ko pagkilos para maglagay ng pagkain sa plato ko. It's lunch time, narito kaming tatlo nakaharap sa dining table na puno ng mga pagkain. Pero talagang wala akong gana. “Ayaw mo ba ng mga nakahandang pagkain? Gusto mo ipagluto kita ng iba?” Nana asked me. “No need po, Nana.” I sighed. “Parang wala po kasi akong ganang kumain, siguro ay dahil hindi pa po ako nakakaramdam ng gutom. I think, doon na lang po siguro ako mag-lunch sa school. I have to go.” I stood up, lumapit na ako sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi. “Sige na po, Lo, maiwan ko na po kayo ni Nana. Pakabusog po kayo.” “Aba eh, ayos ka naman ba? Hindi ba masama ang pakiramdam mo?” pahabol na tanong sa akin ni Lolo. “D