=ALJON= NGAYON ang araw ng engagement naming dalawa ni Lyra. At hinihintay ko ang kakambal niya dahil gusto kong makita muna ang venue. Isang puting sports car ang huminto sa aking harapan. Sasakyan pala ito ni Loki at nang bumukas ang bintana ay agad niya akong tinawag upang pasakayin. “Tayong dalawa lang ba?” tanong ko sa kanya pagkaupo ko habang nagsusuot ako ng seatbelt. “Susunod na lang daw silang dalawa, sana magustuhan mo ang preparasyon na ginawa namin.” “May tiwala naman ako sa inyong tatlo at salamat. Excited na akong makapag propose sa kapatid mo.” “Alam kong matutuwa si Ate Sungit, at salamat bayaw. Alam naming lahat na mahal mo ang aming kapatid at sana ay huwag kang magbabago.” “Paano ba magbago ang isang tao kung yon na ang nakasanayan? Ganito na ako mula pa noon at s