JAM POV. PAGPASOK ko sa aking room ay hindi ko inaasahan na makikita ko si Aji. Pero mas’ inuna kong pumasok sa loob ng banyo upang makapaligo. Malagkit ang aking katawan dahil sa pawis mula sa biyahe dahil naka motorcycle lang kami. Mas madali itong gamitin kapag ganitong oras dahil sobra ang traffic. Habang nasa tapat ako sa shower ay gumagana ng aking isipan. Kung paano ko ipapaliwanag kay Aji ang lahat. Alam kong lubos siyang masasaktan kapag nalaman niya ang katotohanan. At kahit ayaw kong mangyari iyon sa kanya ay hindi naman maiiwasan. Isa pa siguradong siya ang isusunod dahil sa pagkamatay ni Vice President. Kaya nang matapos akong maligo ay lumabas na agad ako ng banyo. Nakita kong nakatayo ang asawa ko sa gilid ng bintana habang nakatanaw sa labas. Hindi ko muna siya nilapita